Jeremiah 14:13
At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 4:10Kaya sinabi ko, 'Oh! Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo ng lubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi, 'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklas ang mga espada laban sa kanilang mga buhay.
Jeremiah 5:31Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlang at namuno ang mga pari gamit ang kanilang sariling kapangyarihan. Inibig ng aking mga tao ang mga pamamaraang ito, ngunit ano ang mangyayari sa huli?
Jeremiah 8:11Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walang kapayapaan.
Jeremiah 23:17Patuloy nilang sinasabi sa mga taong hindi nagpaparangal sa akin, 'Ipinapahayag ni Yahweh na magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo.' At ang bawat isa na lumalakad sa katigasan ng kanilang puso ay sinasabing, 'Ang sakuna ay hindi darating sa inyo.'
Jeremiah 37:19Nasaan ang iyong mga propeta, ang mga nanghula para sa iyo at sinabing ang hari ng Babilonia ay hindi darating laban sa iyo o laban sa lupaing ito?
Ezekiel 13:22Dahil pinahina ninyo ang puso ng matuwid na tao sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, kahit na hindi ko ninais ang kaniyang kawalan ng pag-asa, at sa halip, hinimok ninyo ang gawain ng masasamang tao upang hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang mailigtas ang kaniyang buhay—