Ezekiel 17:21
At lahat ng mga bihag sa kaniyang mga hukbo ay babagsak sa pamamagitan ng espada, at ang mga matitira ay kakalat sa lahat ng dako. At malalaman ninyo na ako si Yahweh; Ipinahayag ko na ito ay mangyayari!'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 25:5Pero hinabol ng hukbo ng mga Caldean si Haring Zedekias at inabutan siya sa mga kapatagan ng lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Lahat ng kaniyang hukbo ay nagkaniya-kaniyang takas palayo mula sa kaniya.
Isaiah 26:11Yahweh, nakataas ang iyong kamay, pero hindi nila ito napapansin. Pero makikita nila ang iyon kasigasigan para sa mga tao at sila ay mapapahiya, dahil ang apoy ng iyong mga kaaway ay lalamunin sila.
Jeremiah 52:8Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.
Ezekiel 6:7Babagsak ang patay sa inyong kalagitnaan at malalaman ninyo na ako si Yahweh!
Ezekiel 12:14Ikakalat ko rin sa lahat ng dako ang lahat ng mga nakapalibot sa kaniya na tutulong sa kaniya at ng kaniyang buong hukbo at magpapadala ako ng espada sa kanilang likuran.