Ezekiel 21:9
“Anak ng tao, magpropesiya ka at sabihin mo, 'Ganito ang sinasabi ng Panginoon: Sabihin mo: Isang espada! Isang espada! Patatalimin ito at pakikintabin!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
Cross References
Deuteronomy 32:41Kapag hinahasa ko ang aking makintab na espada, at kapag nagsimula na ang aking kamay na magdala ng katarungan, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko yaong mga napopoot sa akin.
Job 20:25Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
Isaiah 27:1Sa araw na iyon si Yahweh at ang kaniyang matigas, malaki at mabalasik na espada ay parurusahan ang Leviatan, ang madulas na ahas, ang Leviatan na namamaluktot na ahas, at papatayin niya ang halimaw na nasa dagat.
Isaiah 66:16Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
Jeremiah 15:2At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
Ezekiel 21:3Sabihin mo sa lupain ng Israel, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Masdan mo! Ako ay laban sa iyo! Bubunutin ko ang aking espada mula sa kaluban at papatayin kong pareho ang matuwid at ang masasamang tao mula sa iyo!