Ezra 10:3
Kaya ngayon gumawa tayo ng isang tipan sa ating Diyos na palabasin ang lahat ng mga babae at kanilang mga anak ayon sa mga tagubilin ng Panginoon at sa mga tagubilin ng mga nanginig sa mga utos ng ating Diyos, at mangyari nawa ito ayon sa batas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:2at kapag bibigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng katagumpayan sa kanila kapag nakita ninyo sila sa digmaan, dapat ninyo silang salakayin, pagkatapos dapat ganap ninyo sila wasakin. Hindi kayo gagawa ng tipan sa kanila, ni magpakita ng awa sa kanila.
Joshua 9:6Pagkatapos pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal at sinabi sa kaniya at sa mga kalalakihan ng Israel, “Naglakbay kami mula sa isang napakalayong bansa, kaya ngayon gumawa kayo ng isang kasunduan sa amin.”
2 Kings 11:17Kaya gumawa ng tipan si Jehoaida para kay Yahweh, kay Haring Joas at sa mga mamamayan, na sila ay dapat maging bayan ni Yahweh, at gumawa rin siya ng tipan sa pagitan ng hari at ng mga mamamayan.
2 Chronicles 30:12Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
2 Chronicles 34:27'dahil malambot ang iyong puso at nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos nang marinig mo ang kaniyang mga salita laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, at dahil nagpakumbaba ka sa aking harapan at pinunit mo ang iyong kasuotan at umiyak sa aking harapan, nakinig din ako sa iyo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
2 Chronicles 34:32Pinanumpa niya ang lahat ng taong matatagpuan Jerusalem at Benjamin na sumunod sa kasunduan. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay sumunod sa kasunduan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.