Ezra 10:8
Sinuman ang hindi pumunta sa loob ng tatlong araw ayon sa tagubilin ng mga opisyal at mga nakatatandang lalaki ay kukunin ang lahat ng kanilang mga ari-arian at hindi ibibilang sa napakalaking kapulungan ng mga taong bumalik mula sa pagkakatapon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 6:19Lahat ng pilak, ginto, at mga bagay na gawa sa tanso at bakal ay nakalaan kay Yahweh. Dapat dalhin ang mga ito sa ingatang yaman ni Yahweh.”
1 Samuel 11:7Kumuha siya ng magkasingkaw na lalaking baka at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pinadala niya ang mga iyon sa mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Sinabi niya, “Sinuman ang hindi lumabas kasunod ni Saul at kasunod ni Samuel, ito ang gagawin sa kanyang lalaking baka. Dumating sa mga tao ang takot kay Yahweh at lumabas silang magkakasama bilang isang lalaki.
Nehemiah 13:3Nang narinig nila ang Batas, pinaalis nila mula sa Israel ang bawat dayuhan.
Matthew 18:17At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
John 9:34Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?” Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.
1 Corinthians 5:13Ngunit ang Diyos ang siyang hahatol sa mga nasa labas. “Alisin ang masamang tao mula sa inyo.”