Ezra 8:18
Kaya nagpadala sila sa amin sa pamamagitan ng mabuting kamay ng ating Diyos ng isang lalaking nagngangalang Serebias, isang matalinong tao. Siya ay kaapu-apuhan ni Mali na anak ni Levi na anak ni Israel. Dumating siya kasama ang kaniyang labing walong mga anak na lalaki at mga kapatid na lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 3:20Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita, na nakatala angkan sa angkan.
1 Chronicles 6:4Si Eleazar ang ama ni Finehas, at si Finehas ang ama ni Abisua.
Ezra 7:6Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
Ezra 7:28at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko.”
Ezra 8:22Nahiya akong humingi sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol kami laban sa mga kaaway sa aming daraanan, yamang sinabi namin sa hari, 'Ang kamay ng aming Diyos ay nasa lahat ng humahanap sa kaniya para sa kabutihan, ngunit ang kaniyang kapangyarihan at poot ay nasa lahat ng sinumang nakakalimot sa kaniya.'
Nehemiah 2:8Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.