Genesis 11:4
Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan.
Cross References
Genesis 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Deuteronomy 1:28Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
Deuteronomy 9:1Makinig, Israel; malapit na kayong tumawid sa Jordan sa araw na ito, pasukin para agawin ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili, at mga lungsod na pinatibay pataas hanggang sa langit,
Psalms 49:11Ang nasa kaloob-looban ng kaisipan nila ay magpapatuloy ang kanilang mga pamilya magpakailanman, pati na ang mga lugar kung saan sila naninirahan, sa lahat ng mga salinlahi; tinawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang mga pangalan.
Proverbs 10:7Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
Daniel 4:22ang punong ito ay ikaw, hari, ikaw na lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ng daigdig ang iyong kapangyarihan.