Genesis 16:11
Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 21:17Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, “Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan.
Genesis 41:51Tinawag ni Jose ang pangalan ng kaniyang panganay na Manases, at sinabi niya, “Ginawa ng Diyos na makalimutan ko ang lahat ng aking mga bagabag at lahat ng sambahayan ng aking ama.”
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
1 Samuel 1:20Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
Psalms 22:24Dahil hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap; hindi tinago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kaniya; nang umiyak ang naghihirap sa kaniya, dininig niya.
Matthew 1:21Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila.”