Leviticus 18:29
Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo..
Cross References
Exodus 12:15Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
Leviticus 7:20Subalit, ang taong marumi na kumain sa anumang karne mula sa alay ng isang handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh—dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.
Leviticus 17:10At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
Malachi 2:12Ihiwalay nawa ni Yahweh mula sa mga tolda ang sinumang kaapu-apuhan ng taong gumawa nito, kahit na ang isang nagdadala ng alay kay Yahweh ng mga hukbo.