Genesis 31:28
Hindi mo ako pinayagang halikan ang aking mga apong lalaki at babae upang makapagpaalam. Gumawa ka ng kamangmangan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And hast not suffered me to kiss my sons and my daughters? thou hast now done foolishly in so doing.
In Context
Cross References
Genesis 29:13Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
Genesis 31:13Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan.”'
Genesis 31:55Madaling araw pa bumangon si Laban, hinalikan ang kanyang mga apong lalaki at mga anak na babae at pinagpala sila. Pagkatapos umalis si Laban at bumalik sa kanyang tahanan.
Exodus 4:27Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Pumunta ka doon sa ilang para makipagkita kay Moises.” Pumunta si Aaron, at nakipagkita sa kaniya sa bundok ng Diyos, at hinalikan siya.
Ruth 1:14Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.
1 Kings 19:20Pagkatapos iniwan ni Eliseo ang mga baka at sumunod kay Elias; sinabi niya, “Pakiusap hayaan mong humalik ako sa aking ama at aking ina, at pagkatapos ako ay susunod sa iyo.” Pagkapos sinabi ni Elias sa kaniya, “Bumalik ka, pero isipin mo kung ano ang ginawa ko sa iyo.”