Ruth 1:14
Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:55Madaling araw pa bumangon si Laban, hinalikan ang kanyang mga apong lalaki at mga anak na babae at pinagpala sila. Pagkatapos umalis si Laban at bumalik sa kanyang tahanan.
Deuteronomy 10:20Katatakutan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; siya ang inyong sasambahin. Kailangan ninyong kumapit sa kaniya, at mangangako kayo sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
Ruth 2:11Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala.
Proverbs 17:17Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.
Isaiah 14:1Mahahabag si Yahweh sa Jacob; pipiliin niya muli ang Israel at ibabalik sila sa sarili nilang lupain. Sasapi ang mga dayuhan sa kanila at iaanib ang kanilang mga sarili sa bayan ng Jacob.
Matthew 10:37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.