Genesis 4:8
Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 3:27Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
2 Samuel 14:6Ako na iyong lingkod ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, nag-away silang dalawa sa bukid at walang sinumang umawat sa kanila. Pinalo ng isa ang isa at pinatay siya.
Nehemiah 6:2nagpadala sina Sanbalat at Gesem sa akin na sinasabing, “Halika, sama-sama tayong magpulong kahit saan sa kapatagan ng Ono.” Pero binalak nila na gawan ako ng masama.
Psalms 24:3Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh? Sino ang tatayo sa kaniyang banal na lugar?
Psalms 55:21Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo sila ay mga binunot na espada.
Proverbs 26:24Ang isang namumuhi sa iba ay kinukubli ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng kaniyang mga labi at nag-iimbak ng panlilinlang sa kaniyang sarili.