Zacarias 4:9
“Ang mga kamay ni Zerubabel ang naglatag sa pundasyon ng tahanang ito at ang kaniyang mga kamay ang tatapos nito. At malalaman mo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Dumating sa akin ang salita ni Yahweh:
Cross References
Ezra 3:8At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
Ezra 6:14Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia.
Isaiah 48:16Lumapit kayo sa akin, makinig kayo dito; mula sa simula hindi ako nagsalita nang palihim; kapag nangyari ito, nandoon ako; at ngayon si Yahweh na Panginoon ay pinadala ako, at ang kaniyang Espiritu.”
Zechariah 2:11Pagkatapos, makikiisa kay Yahweh ang mga malalaking bansa sa araw na iyon. Sinasabi niya, “At kayo ang magiging mga tao ko sapagkat mananahan ako sa inyong kalagitnaan.” At malalaman ninyo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa akin sa inyo.
Zechariah 6:12Kausapin mo siya at sabihin, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: “Ang lalaking ito, Sanga ang kaniyang pangalan! At lalago siya kung nasaan siya at itatayo niya ang templo ni Yahweh!
Matthew 16:18Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito.