Hebrews 13:18
Ipanalangin ninyo kami, sapagkat kami ay nakatitiyak na malilinis ang aming budhi, naghahangad na mabuhay ng kagalang-galang sa lahat ng mga bagay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Pray for us: for we trust we have a good conscience, in all things willing to live honestly.
In Context
Cross References
Acts 24:16at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
Romans 13:13Lumakad tayo nang nararapat, gaya ng sa liwanag, hindi sa magulong pagdiriwang o sa paglalasing. At huwag tayong mamuhay sa kahalayan o sa pagnanasang walang pagpipigil, at hindi sa alitan o pagkainggit.
2 Corinthians 1:12Ipinagmamalaki namin ito: ang patotoo ng aming budhi. Dahil sa malinis na hangarin at katapatan sa Diyos kaya kami namuhay sa mundo. Ginawa namin ito lalong lalo na sa inyo, at hindi sa karunungan ng mundo, ngunit sa halip sa biyaya ng Diyos.
Philippians 4:8Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, marangal, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig, may mabuting ulat, kung may mga bagay na mahusay at dapat papurihan, isipin ang mga bagay na ito.
1 Thessalonians 4:12Gawin ninyo ito upang makalakad kayo ng maayos na may paggalang sa mga taong nasa labas ng pananampalataya, at upang hindi na kayo mangailangan ng anuman.
2 Thessalonians 3:1At ngayon, mga kapatid, manalangin kayo para sa amin, na ang salita ng Panginoon ay mapadali at maluwalhati, gaya ng ginagawa ninyo.