Hebrews 4:16
Kaya magsilapit tayo na may pananalig sa trono ng biyaya, ng sa gayon makatanggap tayo ng awa at makahanap ng biyaya na makakatulong sa oras ng pangangailangan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 16:2Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
Isaiah 27:11Kapag nalanta ang mga sanga, sila ay puputulin. Dadating ang mga babae at gagawa ng apoy sa pamamagitan ng mga ito, dahil ang mga ito ay mga taong walang pang-unawa. Sa gayon ang kanilang manlilikha ay hindi mahahabag sa kanila, at siyang gumawa sa kanila ay hindi maaawa sa kanila.
Matthew 7:7Humingi kayo, at ito ay ibibigay sa inyo. Humanap kayo, at kayo ay makakatagpo. Kumatok kayo, at bubuksan ito para sa inyo.
2 Corinthians 12:8Tatlong beses akong nagmakaawa sa Panginoon tungkol dito, para tanggalin ito sa akin.
Ephesians 3:12Sapagkat dahil kay Cristo mayroon tayong lakas ng loob at kakayahang makalapit sa kaniya nang may tiwala dahil sa ating pananampalataya sa kanya.
Hebrews 7:19Sapagkat ang kautusan ay walang ginawang ganap. Gayunpaman, mayroong mas mabuting pag-asa para sa hinaharap kung saan lumalapit tayo sa Diyos.