Hebrews 7:27
Hindi siya nangangailangan, di tulad ng mga pinaka-punongpari, na mag-alay ng handog araw-araw, una para sa kaniyang sariling kasalanan, at pagkatapos para sa kasalanan ng mga tao. Ginawa niya ito nang minsanan para sa lahat, nang inialay niya ang kaniyang sarili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:3Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
Leviticus 16:6Sa gayon ay dapat ipakita ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan, kung saan maging para sa kanya, sa pambayad ng kasalanan para sa kanya at sa kaniyang pamilya.
Leviticus 16:15Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
Isaiah 53:10Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.
Ephesians 2:22Dahil sa kaniya kaya kayo din ay magkakasamang itinayo bilang isang tahanan para sa Diyos sa Espiritu.
Titus 2:14Ibinigay ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kawalan ng batas at gawing dalisay, para sa kanyang sarili, isang natatanging mga tao na sabik sa paggawa ng mabubuti.