Hebrews 7:28
Sapagkat ang kautusan ang humirang ng mga tao na may kahinaan katulad ng mga pinakapunong pari, ngunit ang salita ng panunumpa, na dumating matapos ang kautusan, ay naghirang ng isang Anak, na siyang ginawang ganap magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:3Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
Luke 13:32Sinabi ni Jesus, “Pumunta kayo at sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Tingnan mo, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ako ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay maaabot ko ang aking layunin.'
Hebrews 1:2Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo.
Hebrews 3:6Ngunit si Cristo ang Anak na pinagkatiwalaan sa sambahayan ng Diyos. Tayo ang kaniyang bahay kung ating mahigpit na panghahawakan ang ating pananalig at kapurihan ng pananalig.
Hebrews 5:1Sapagkat bawat pinaka-punong pari, na pinili mula sa mga tao, ay itinalaga upang gumanap para sa kanila sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang siya ay maaaring makapag-alay ng mga kaloob at mga handog para sa mga kasalanan.
Hebrews 5:8Bagama't siya ay anak, natutunan niya ang pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.