Hebrews 8:11
Hindi nila tuturuan ang bawat isa na kaniyang kapwa at ang bawat isa na kaniyang kapatid, na sabihing, “Kilalanin ninyo ang Diyos,” sapagkat ako ay makikilala ng lahat mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 28:9At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
Ezra 7:25Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas.
Isaiah 54:13At tuturuan ni Yahweh ang lahat ng inyong mga anak; at ang kapayapaan ng inyong mga anak ay magiging dakila.
Jeremiah 24:7At bibigyan ko sila ng isang puso upang kilalanin ako, sapagkat ako si Yahweh. Sila ay magiging aking mga tao at ako ay magiging kanilang Diyos, kaya babalik sila sa akin nang buong puso.
Jeremiah 42:1At lumapit kay propeta Jeremias ang lahat ng mga pinuno ng hukbo at sina Johanan na anak ni Karea, Azarias na anak ni Hosaias at lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
Jeremiah 44:12Sapagkat kukunin ko ang natira sa Juda na nakatakdang lumabas upang pumunta sa lupain ng Egipto upang manirahan doon. Gagawin ko ito upang silang lahat ay mamatay sa lupain ng Egipto. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mamamatay sila at magiging kaganapan ng panunumpa, pagsusumpa, paninisi at isang kakila-kilabot na bagay.