Hosea 2:9
Kaya babawiin ko ang kaniyang butil sa panahon ng anihan at ang aking bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko ang aking lana at lino na ginamit upang takpan ang kaniyang kahubaran.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 17:10Dahil kinalimutan ninyo ang Diyos ng inyong kaligtasan, at iniwan ang bato ng inyong kalakasan. Kaya nagtatanim kayo ng mga kaaya-ayang mga halaman, at naghahasik ng kakaibang mga binhi
Ezekiel 16:39Ibibigay kita sa kanilang mga kamay upang kanilang pabagsakin ang iyong mga altar at wasakin ang iyong mga dambana, pagkatapos ay huhubarin nila ang iyong damit at kukunin ang lahat ng iyong alahas, at iiwanan ka nilang hubo't hubad.
Daniel 11:13Muling bubuo ng isa pang hukbo ang hari ng Hilaga, mas malaki kaysa nauna. Pagkatapos ng ilang taon, ang hari ng Hilaga ay tiyak na babalik na may isang malaking hukbo na natustusan ng maraming kagamitan.
Hosea 8:7Sapagkat itinanim ng mga tao ang hangin at umani ng ipu-ipo. Ang nakatayong trigo ay walang mga uhay; hindi ito makapagbibigay ng harina. Kung mahihinog man ito, uubusin ito ng mga dayuhan.
Joel 2:14Sinong nakakaalam? Marahil ay manumbalik siya at mahabag, at mag-iwan ng biyaya sa likuran niya, butil na handog at inuming handog para kay Yahweh na inyong Diyos.
Haggai 1:6Naghasik kayo ng napakaraming binhi, ngunit kakaunti ang inyong aanihin; kumain kayo ngunit hindi nabubusog; uminom kayo ngunit nanatiling uhaw. Nagsuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan, at ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng pera para ilagay ito sa isang sisidlan na puno ng mga butas!'