Isaias 17:10
Dahil kinalimutan ninyo ang Diyos ng inyong kaligtasan, at iniwan ang bato ng inyong kalakasan. Kaya nagtatanim kayo ng mga kaaya-ayang mga halaman, at naghahasik ng kakaibang mga binhi
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:16—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
Deuteronomy 6:12pagkatapos mag-ingat para hindi ninyo malimutan si Yahweh, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Deuteronomy 8:14na pagkatapos ang inyong puso ay maaaring magmataas, at maaari ninyong makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin.
Deuteronomy 28:30Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Deuteronomy 32:4Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
Deuteronomy 32:18Pinabayaan ninyo ang Bato, na naging ama ninyo, at inyong kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa inyo.