Hosea 7:1
Kapag nais kong pagalingin ang Israel, mabubunyag ang kasalanan ng Efraim, ganun din ang masamang mga gawa ng Samaria, sapagkat gumagawa sila ng panlilinlang, pumasok ang isang magnanakaw at isang pangkat ng mandarambong ang lumusob sa lansangan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 59:12Dahil ang aming maraming paglabag sa iyong kautusan ay nasa harapan mo, at ang aming mga kasalanan ay magpapatotoo laban sa amin; dahil ang aming mga pagkakasala ay nasa amin, at nalalaman namin ang aming mga kasalanan.
Isaiah 59:14Ang katarungan ay ipinagkait, at ang katuwiran ay nananatiling malayo; dahil ang katotohanan ay nakatitisod sa liwasang-bayan, at ang matuwid ay hindi makararating.
Jeremiah 51:9'Hinangad naming lunasan ang Babilonia ngunit hindi siya gumaling. Siya ay iwanan nating lahat at lumayo patungo sa sarili nating lupain. Sapagkat ang kaniyang pagkakasala ay umaabot na sa mga kalangitan, patung-patong ang mga ito hanggang sa mga ulap.'
Ezekiel 23:4Ang kanilang mga pangalan ay sina Ohola—ang nakatatandang kapatid na babae—at si Oholiba—ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Pagkatapos naging akin sila at nanganak ng mga anak na lalake at mga anak na babae. Ito ang ibig sabihin ng kanilang mga pangalan: Samaria ang kahulugan ng Ohola, at Jerusalem ang kahulugan ng Oholiba.
Hosea 4:17Nakiisa ang Efraim sa mga diyus-diyosan, pabayaan siyang mag-isa.
Hosea 6:4Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.