The Bible Software
bible.softwareIsaiahIsaiah 10 › Isaiah 10:13

Isaiah 10:13

Dahil sinabi niya, “Sa pamamagitan ng aking lakas at katalinuhan kaya ko ito nagawa, at tinanggal ko ang mga hangganan ng mga tao. Ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at tulad ng isang makapangyarihang tao winasak ko silang mga nakaupo sa mga trono.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

For he saith, By the strength of my hand I have done it, and by my wisdom; for I am prudent: and I have removed the bounds of the people, and have robbed their treasures, and I have put down the inhabitants like a valiant man:

In Context

12Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.

14Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.”

Read all of Isaiah 10

Cross References

Judges 7:2Sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Napakaraming sundalo sa akin para mabigyan kita ng tagumpay laban sa mga Midianita. Tiyaking hindi magmamayabang ang Israel laban sa akin, sa pagsasabing, 'Iniligtas tayo ng ating sariling kapangyarihan.'

2 Kings 16:8Kaya kinuha ni Ahaz ang pilak at gintong mayroon sa tahanan ni Yahweh at kasama ng mga yaman ng palasyo ng hari at ipinadala ito bilang isang handog sa hari ng Asiria.

2 Kings 17:24Nagdala ng mga tao ang hari ng Asiria mula Babilonia at mula Cuta, at mula Avva, at mula Hamat at Separvaim, at inilagay sila sa mga lungsod ng Samaria kapalit ng mga Israelita. Pinamahalaan nila ang Samaria at nanirahan sa mga lungsod nito.

2 Kings 18:15Kaya binigay sa kaniya ni Hezekias ang lahat ng pilak na natagpuan sa tahanan ni Yahweh at sa mga pananalapi sa palasyo ng hari.

2 Kings 19:22Sino ang iyong sinuway at kinutya? At sino ang iyong pinagtaasan ng boses at itinaas ang iyong mata nang may pagmamataas? Laban sa Banal ng Israel!

1 Chronicles 5:26Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Isaiah 10:13

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Isaiah 10:12Isaiah 10Isaiah 10:14 →