Isaiah 13:13
Dahil dito, papanginigin ko ang kalangitan, at yayanigin ang lupa sa kinalalagyan nito, sa pamamagitan ng matinding poot ni Yahweh ng mga hukbo, at sa araw ng kaniyang matinding galit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 110:5Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.
Isaiah 34:4Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
Isaiah 51:6Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
Jeremiah 4:24Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
Lamentations 1:12Wala bang halaga sa inyo, kayong lahat na dumaraan? Pagmasdan at tingnan kung mayroong kalungkutan kaninuman tulad ng kalungkutan na nagpahirap sa akin, yamang pinahirapan ako ni Yahweh sa araw ng kaniyang mabagsik na galit.
Nahum 1:4Sinasaway niya ang dagat at ginagawa itong tuyo; tinutuyo niya ang lahat ng ilog. Mahina ang Bashan, at gayon din ang Carmel; nanlulupaypay rin ang mga bulaklak sa Lebanon.