Isaiah 65:13
Ito ang sinabi ng Panginoon na si Yahweh, “Masdan ninyo, ang aking mga lingkod ay magsisikain at magsisiinom, pero kayo ay magugutom at mauuhaw; sila ay magsasaya, pero kayo ay malalagay sa kahihiyan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 34:10Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti.
Proverbs 13:25Ang gumagawa ng tama ay kumakain hanggang masiyahan ang kaniyang gana, pero laging nagugutom ang tiyan ng masama.
Isaiah 41:17Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Isaiah 61:7Sa halip ng inyong kahihiyan magkakaroon kayo ng kasaganaan; at sa halip ng kasiraang-puri sila ay magagalak sa kanilang bahagi. Kaya sila ay magkakaroon ng isang dobleng bahagi ng kanilang lupa; walang-hanggang kagalakan ay mapapasakanila.
Isaiah 66:14Makikita ninyo ito at masisiyahan ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay uusbong gaya ng murang damo. Mahahayag ang kamay ni Yahweh sa kaniyang mga lingkod, pero magagalit siya sa kaniyang mga kaaway.
Malachi 3:18At minsan pa, muli ninyong makikita ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at masama, sa pagitan ng sumasamba sa Diyos at sa hindi sumasamba sa kaniya.