Isaias 17:12
Kaawa-awa! Ang paghihiyawan ng mga tao, ang pag-ugong gaya ng pag-ugong ng mga dagat, at ang pagragasa ng mga bansa, gaya ng rumaragasang malalakas na tubig!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 18:4Nakapalibot sa akin ang mga lubid ng kamatayan, at inanod ako ng rumaragasang tubig ng kawalan ng halaga.
Psalms 46:1Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan.
Psalms 93:3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
Isaiah 5:30Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
Isaiah 9:5Sapagkat ang mga bota ay lumalakad sa kaguluhan, ang damit na nababad sa dugo ay susunugin, bilang pandingas sa apoy.
Jeremiah 6:23Kukuha sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng dagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma, anak na babae ng Zion.'”