Isaiah 17:13
Uugong ang mga bansa gaya ng rumaragasang mga tubig, pero sasawayin sila ng Diyos. Tatakbo sila palayo at hahabulin gaya ng mga patay na damo sa bundok na nasa harap ng mga hangin, at gaya ng mga damo na umiikot sa harap ng bagyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 21:18Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
Psalms 1:4Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
Psalms 35:5Nawa sila ay maging tulad ng hinanging ipa, sa pagtataboy ng anghel ni Yahweh sa kanila.
Psalms 65:8Sila na nabubuhay sa dulong bahagi ng mundo ay matatakot sa katibayan ng iyong mga gawa; pinapasaya mo ang silangan at kanluran.
Psalms 83:14tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
Isaiah 10:33Masdan, puputulin ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo ang mga sanga ng puno sa isang kasindak-sindak na pagbagsak; ang mga matataas na puno ay puputulin, at ang mga matatayog ay babagsak.