Isaiah 19:2
“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:22Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.
1 Samuel 14:16Pagkatapos tumingin ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin; ang pangkat ng mga ni Jonatan ay naghiwa-hiwalay, at sila ay nagpaparoon at parito.
1 Kings 16:21Pagkatapos ang bayan ng Israel ay nahati sa dalawang bahagi. Sumunod ang kalahati kay Tibni na anak ni Ginat para gawin siyang hari at ang kalahati ay sumunod kay Omri.
2 Chronicles 20:22Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo.
Isaiah 9:21Ang bawat isa ay kakainin ang kanilang sariling kamay. Lalapain ng Manases ang Efraim, at ang Efraim ang Manases at ang dalawa ay lulusob sa Juda. Sa lahat ng mga ito ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Ezekiel 38:21Sapagkat ipatatawag ko ang isang espada laban sa kaniya sa lahat ng aking mga bundok—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang bawat espada ng isang tao ay laban sa kaniyang kapatid.