Isaiah 19:3
Mapanghihinaan ng loob ang Ehipto. Wawasakin ko ang kaniyang payo sa kaniya, bagama't humingi sila ng payo mula sa mga diyos-diyosan, mga espiritu ng patay, manghuhula, at mga espirtista.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 25:37At nangyari kinaumagahan, nang hindi na lasing si Nabal, na sinabi ng kanyang asawa sa kanya ang mga bagay na ito, inatake siya sa puso, at naging tulad siya ng isang bato.
2 Samuel 17:14Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom.
2 Kings 1:2Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”
2 Chronicles 25:16At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.”
Job 5:13Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
Psalms 107:27Nayanig sila at sumuray-suray tulad ng mga lasinggero at sila ay nasa dulo ng kanilang diwa.