Isaiah 26:3
Nanatili sa iyo ang kaisipan, pananatalihin mo siya sa ganap na kapayapaan, dahil nagtitiwala siya sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Thou wilt keep him in perfect peace, whose mind is stayed on thee: because he trusteth in thee.
In Context
4Magtiwala kay Yahweh magpakailanman; dahil kay Yah, Yahweh, ay ang walang hanggang tanggulan.
Cross References
1 Chronicles 5:20Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.
2 Chronicles 16:8Hindi ba malaking hukbo ang mga taga-Ethiopia at mga taga-Libya na may mga napakaraming karwahe at mangangabayo? Ngunit, dahil umasa ka kay Yahweh, pinagtagumpay ka niya laban sa kanila.
Psalms 85:7Ipakita mo sa amin ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Isaiah 32:17Ang gawa ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran, katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.
Isaiah 48:2Dahil tinatawag nila ang mga sarili nilang mga mamamayan ng banal na lungsod at nagtitiwala sa Diyos ng Israel; Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.