Isaiah 3:5
Aapihin ang mga tao, bawat isa ng isa pa, at bawat isa ng kapwa nila; buong pagmamataas na tutuligsain ng bata ang nakatatanda, at hahamunin ng mga minamaliit ang mga kagalang-galang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4“Magtatalaga ako ng mga kabataan bilang pinuno nila, at ang mga nakababata ang mamamahala sa kanila.
Cross References
2 Samuel 16:5Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
Job 30:1Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
Isaiah 1:4Nakalulungkot —ang mga bansa, mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali! Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya.
Isaiah 9:19Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.
Isaiah 19:2“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
Jeremiah 22:17Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba.