Isaiah 30:7
Dahil ang tulong ng Ehipto ay walang halaga; kaya nga tinawag ko siyang Rahab, na walang ginagawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 76:8Ang iyong paghatol ay nagmula sa langit; ang mundo ay takot at tahimik.
Proverbs 25:19Ang taong hindi tapat na pinagkakatiwalaan mo sa oras ng gulo ay katulad ng sirang ngipin o isang nadudulas na paa.
Isaiah 7:4Sabihin mo sa kaniya, 'Mag-ingat ka, at mapanatag, huwag kang matakot at masindak sa dalawang nagbabagang piraso ng mga kahoy na ito at sa nag-aapoy na galit ni Rezin ng Aram, at ni Peka na anak ni Remalias.
Isaiah 30:15Dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Ang Banal ng Israel, “Sa panunumbalik at pagpapahinga kayo ay maliligtas; sa katahimikan at sa pagtitiwala ang inyong magiging kalakasan. Pero hindi kayo pumapayag.
Isaiah 31:2Gayunman siya ay marunong, at nagdadala siya ng sakuna at hindi niya binabawi ang kaniyang mga salita. At siya ay babangon laban sa masamang sambahayan at laban sa mga alipin na nakagawa ng kasalanan.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?