Isaiah 33:24
Hindi sasabihin ng mga naninirahan, “Ako ay may sakit;” ang bayan na naninirahan doon ay patatawarin sa kanilang kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:26Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
Deuteronomy 28:27Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng mga pigsa ng Ehipto at ng mga sakit sa tiyan, sakit sa balat, at pangangati, kung saan hindi kayo mapapagaling.
Isaiah 30:26Ang liwanag ng buwan ay magiging tulad ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magiging pitong beses na mas maliwanag, tulad ng liwanag ng araw ng pitong araw. Bibigkisin ni Yahweh ang pagkabali ng kanyang bayan at pagagalingin ang mga sugat ng kanyang panunugat sa kanila.
Isaiah 58:8Pagkatapos ang inyong liwanag ay magbubukas tulad ng pagsikat ng araw, at mabilis na manunumbalik ang inyong kagalingan; pangungunahan kayo ng inyong katuwiran, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maaari ninyong maging bantay sa inyong likuran.
Jeremiah 50:20Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, sinabi ni Yahweh, uusigin ang kasamaan sa Israel, ngunit walang matatagpuan. Tatanungin ko ang mga kasalanan ng Juda ngunit walang matatagpuan dahil patatawarin ko ang natira na aking iniligtas.”
Micah 7:18Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.