Isaiah 34:6
Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 1:44Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak na lalaki ni Zera na taga-Bosra ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Isaiah 34:5Sa oras na mabusog ang aking espada sa langit mula sa pag-inom; pagmasadan ninyo, bababa ito sa Edom, sa bayan na ibinukod ko para wasakin.
Isaiah 63:3Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas sa pigaan, at walang sinuman mula sa mga bansa ang sumama sa akin. Tinapakan ko sila sa aking poot at dinurog ko sila sa aking matinding galit. Tumilamsik ang kanilang dugo at minantsahan ang lahat ng aking kasuotan.
Jeremiah 49:13Sapagkat sumumpa ako sa aking sarili—ito ang pahayag ni Yahweh—na ang Bozra ay magiging katatakutan, kahihiyan, kasiraan at isang bagay na gagamitin sa pagsumpa. Ang lahat ng lungsod nito ay magiging wasak magpakailanman.
Jeremiah 51:40Ipadadala ko sila na tulad ng mga batang tupa sa katayan, tulad ng mga lalaking tupa na may kasamang mga lalaking kambing.
Ezekiel 21:10Patatalimin ito para magamit sa malakihang pagpatay! Pakikintabin ito para maging gaya ng kidlat! Dapat ba tayong magsaya sa setro ng aking anak? Ang darating na espada ay namumuhi sa bawat ganyang tungkod!