Jeremiah 49:13
Sapagkat sumumpa ako sa aking sarili—ito ang pahayag ni Yahweh—na ang Bozra ay magiging katatakutan, kahihiyan, kasiraan at isang bagay na gagamitin sa pagsumpa. Ang lahat ng lungsod nito ay magiging wasak magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 36:33Nang mamatay si Bela, saka naman si Jobab lalaking anak ni Zerah ng Bozra, ang namahala bilang kahalili niya.
Isaiah 34:6Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
Isaiah 45:23Ako ay sumusumpa sa aking sarili, sinasabi ang aking makatarungang atas, at hindi ito babalik: Sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, bawat dila ay susumpa,
Jeremiah 44:26Kaya ngayon, pakinggan ang salita ni Yahweh, buong Juda na naninirahan sa lupain ng Egipto, 'Tingnan ninyo, sumumpa ako sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan—sabi ni Yahweh. Hindi na muling tatawagin kailanman ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga bibig ng kahit na sinumang kalalakihan ng Juda sa buong lupain ng Egipto, kayong mga nagsasabi ngayon, “Sapagkat ang Panginoong si Yahweh ay buhay.”
Jeremiah 49:17Magiging katatakutan ang Edom sa lahat ng mapapadaan dito. Ang bawat taong iyon ay manginginig at susutsot dahil sa lahat ng kapahamakan nito.
Ezekiel 25:13Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hahampasin ko ang Edom ng aking kamay at wawasakin ang bawat tao at hayop doon. Gagawin ko silang isang sira, iniwang lugar, mula sa Teman at Dedan. Sila ay mahuhulog sa pamamagitan ng mga espada!