Isaiah 35:6
Pagkatapos ang taong pilay ay lulukso tulad ng isang usa, at ang piping dila ay aawit, dahil magkakatubig sa bukal mula sa Araba, at magkakabatis sa ilang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Pagkatapos ang mga mata ng bulag ay makakakita, at ang mga tainga ng bingi ay makakarinig.
Cross References
Exodus 17:6Tatayo ako sa harapan mo doon sa ibabaw ng bato sa Horeb, at papaluin mo ang bato. Lalabas ang tubig mula dito para inumin ng mga tao. Pagkatapos ginawa ito ni Moises sa paningin ng mga nakatatanda ng Israel.
Nehemiah 9:15Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang gutom, at tubig mula sa isang bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumunta para angkinin ang lupain na pinangako mo na ibibigay sa kanila.
Psalms 51:15Panginoon, buksan mo ang aking mga labi, at ipahahayag ng aking bibig ang iyong kapurihan.
Psalms 107:35Ginagawa niyang paliguan ang ilang at mga bukal na tubig ang tuyong lupa.
Isaiah 35:1Ang ilang at ang Araba ay magagalak; at ang ilang ay magsasaya at mamumulaklak gaya ng rosas.
Isaiah 41:18Gagawa ako ng batis na aagos sa mga hilig ng lupa, at mga bukal sa kalagitnaan ng mga lambak; ang disyerto ay gagawin kong lawa ng tubig, at ang tuyong lupain sa bukal ng batis.