Isaiah 37:7
Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 32:21Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
Job 15:21Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
Isaiah 10:16Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
Isaiah 17:13Uugong ang mga bansa gaya ng rumaragasang mga tubig, pero sasawayin sila ng Diyos. Tatakbo sila palayo at hahabulin gaya ng mga patay na damo sa bundok na nasa harap ng mga hangin, at gaya ng mga damo na umiikot sa harap ng bagyo.
Isaiah 30:28Ang kanyang hininga ay tulad ng isang umaapaw na malakas na agos na umaabot pataas sa gitna ng leeg, para salain ang mga bansa ng salaan ng pagkawasak. Ang kanyang hininga ay isang kabisada sa mga panga ng mga tao para dulutin silang magpagala-gala.
Isaiah 33:10“Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas.