Isaias 41:17
Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 28:15Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo.”
Exodus 17:6Tatayo ako sa harapan mo doon sa ibabaw ng bato sa Horeb, at papaluin mo ang bato. Lalabas ang tubig mula dito para inumin ng mga tao. Pagkatapos ginawa ito ni Moises sa paningin ng mga nakatatanda ng Israel.
Judges 15:19At biniyak ng Diyos ang hukay sa lugar iyon ng Lehi at lumabas ang tubig. Pagkatapos niyang uminom, nanumbalik ang kaniyang lakas at sumigla siya. Kaya tinawag niyang En Hakkore ang lugar na iyon, at ito ay nasa Lehi sa araw na ito.
2 Chronicles 6:17Kaya ngayon, Diyos ng Israel, dalangin ko na ang pangako na ginawa mo sa iyong lingkod na si David ay matupad.
Psalms 34:6Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
Psalms 50:15Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”