Isaiah 42:7
para buksan ang mga mata ng bulag, para palayain ang mga bilanggo mula sa piitan, at mula sa tahanan ng pagkakulong silang mga nakaupo sa kadiliman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 107:10Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos.
Isaiah 9:2Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
Isaiah 35:5Pagkatapos ang mga mata ng bulag ay makakakita, at ang mga tainga ng bingi ay makakarinig.
Isaiah 42:22Pero ito ang mga taong nanakawan at nasamsaman; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila at walang makakapagsabi, “ibalik sila!”
Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
Matthew 11:5Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, nakapaglalakad ang mga lumpo, ang mga may ketong ay nagiging malinis, ang mga bingi ay nakaririnig nang muli, ang mga patay ay muling binuhay, at ang mga mahihirap ay nasabihan na tungkol sa mabuting balita.