Isaiah 43:19
Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ngayon ito ay magsisimulang mangyari; hindi mo ba ito naunawaan? Gagawa ako ng isang daanan sa disyerto at batis ng tubig sa ilang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 20:11Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
Psalms 78:16Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato at pinadaloy ang tubig gaya ng mga ilog.
Isaiah 35:6Pagkatapos ang taong pilay ay lulukso tulad ng isang usa, at ang piping dila ay aawit, dahil magkakatubig sa bukal mula sa Araba, at magkakabatis sa ilang.
Isaiah 35:9Hindi magkakaroon ng leon at mabangis na hayop doon; hindi sila matatagpuan doon, pero ang tinubos ay lalakad doon.
Isaiah 41:18Gagawa ako ng batis na aagos sa mga hilig ng lupa, at mga bukal sa kalagitnaan ng mga lambak; ang disyerto ay gagawin kong lawa ng tubig, at ang tuyong lupain sa bukal ng batis.
Isaiah 48:5kaya pinahayag ko ang mga bagay na ito sa simula pa; ipinaalam ko sa inyo bago sila mangyari, para hindi ninyo masasabing, 'Ang aking diyus-diyosan ang gumawa nito,' o 'ang aking inukit na rebulto, o ang aking bakal na rebulto ang nagtalaga ng mga bagay na ito.'