Isaiah 48:21
Hindi sila nauhaw nang hinatid niya sila sa mga disyerto; pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila; biniyak niya ang bato, at bumulwak ang tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Walang kapayapaan para sa mga masasama— ang sabi ni Yahweh.”
Cross References
Numbers 20:11Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
Nehemiah 9:20Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw.
Psalms 78:20Tingnan ninyo, nang hinampas niya ang bato, bumulwak ang tubig at nag-umapaw ang pagdaloy nito. Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?
Isaiah 30:25Sa bawat mataas na bundok at sa bawat mataas na burol, magkakaroon ng mga umaagos na batis at mga sapa ng mga tubig, sa araw ng walang habas na pagpatay sa panahon na bumabagsak ang mga tore.
Isaiah 41:17Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Isaiah 43:20Pararangalan ako ng mga mababangis na hayop sa bukid, ang mga asong-gubat at mga ostrich, dahil ako ay magbibigay ng tubig sa ilang, at ng mga ilog sa disyerto, para painumin ang aking bayan na pinili,