Isaias 54:3
Dahil lalaganap kayo sa kanang kamay at sa kaliwa, at lulupigin ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga bansa at muling maninirahan sa pinabayaang mga lungsod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 28:14Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.
Psalms 72:8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
Isaiah 11:9Hindi nila sasaktan ni wawasakin ang lahat ng banal na bundok; dahil mapupuno ang mundo ng maraming kaalaman kay Yahweh, gaya ng tubig na binabalutan ang dagat.
Isaiah 42:1Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
Isaiah 49:8Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sa oras na napagpasyahan kong ipakita ang aking pabor, sasagutin kita, at sa araw ng kaligtasan tutulungan kita; pangangalagaan kita, at ibibigay kita bilang isang tipan para sa mga tao, para itayo muli ang lupain, para itakda muli ang pinabayaang pamana.
Isaiah 49:18Tingnan mo ang paligid mo at masdan, lahat sila ay nagtitipon at papunta sa iyo. Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—tiyak na isusuot mo sila na parang mga alahas; isusuot mo sila, tulad ng babaing ikakasal.