Isaiah 59:10
Kinakapa namin ang pader katulad ng bulag, katulad ng mga hindi nakakikita. Kami ay natitisod sa katanghalian na parang sa takip-silim; sa kalagitnaan ng malakas kami ay katulad ng mga patay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:29Kakapit kayo sa tanghali tulad ng pagkapit ng bulag sa kadiliman at hindi kayo sasagana sa inyong mga daan; lagi kayong aapihin at nanakawan, at wala ni isang magliligtas sa inyo.
Proverbs 4:19Ang daan ng masama ay katulad ng kadiliman- hindi nila alam kung ano itong kanilang kinatitisuran.
Jeremiah 13:16Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
Lamentations 4:14Gumagala ngayon ang mga propeta at mga paring iyon sa mga lansangan tulad ng mga bulag na lalaki. Nadungisan sila ng dugong iyon kaya walang sinuman ang maaaring makahawak sa kanilang mga damit.
John 11:9Sumagot si Jesus, “Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
John 12:40“Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.