Isaiah 59:17
Isinuot niya ang katuwiran bilang isang baluti sa dibdib at isang helmet ng kaligtasan sa kaniyang ulo. Dinamitan niya ang kaniyang sarili ng mga kasuotan ng paghihiganti at nagsuot ng kasigasigan bilang isang balabal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 29:14Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban.
Psalms 94:1Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
Isaiah 11:5Ang katuwiran ang magiging sinturon niya sa kaniyang baywang, at katapatan ang sinturon na nakasuot sa kaniyang balakang.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Isaiah 63:15Tumingin ka mula sa langit at magbigay pansin mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan. Nasaan ang iyong kasigasigan at makapangyarihang mga gawa? Ipinagkait sa amin ang iyong awa at habag.
John 2:17Naalala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, “Ang sigasig para sa iyong tahanan ay tutupok sa akin.”