Isaiah 59:16
Nakita niya na wala ng tao, at nagtaka na walang isa man para mamagitan. Kaya ang kaniyang sariling bisig ang nagdala ng kaligtasan para sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay pinalakas siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 94:16Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
Psalms 106:23Ipag-uutos niya ang kanilang pagkalipol, kung hindi si Moises, na kaniyang hinirang, ay namagitan sa kaniya sa puwang para pawiin ang kaniyang galit mula sa pagkakalipol nila.
Isaiah 50:2Bakit nagpunta ako pero walang naroroon? Bakit tumawag ako pero walang sumagot? Masyado bang maiksi ang kamay ko para tubusin kayo? Wala ba akong kapangyarihan para iligtas kayo? Tingnan ninyo, sa aking pagsasaway natutuyo ko ang dagat; ginagawa kong disyerto ang mga ilog; namamatay ang mga isda nito dahil sa kakulangan ng tubig at nabubulok.
Isaiah 52:10Inilantad ni Yahweh ang kanyang makapangyarihang kamay sa paningin ng lahat ng mga bansa; makikita ng buong daigdig ang pagliligtas ng ating Diyos.
Isaiah 62:8Si Yahweh ay nangako sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay at sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang bisig, “Siguradong hindi ko na kailanman ibibigay ang inyong butil bilang pagkain para sa inyong mga kaaway. Ang mga dayuhan ay hindi iinom ng inyong bagong alak, na inyong pinagtrabahuhan.
Isaiah 63:5Naghanap ako pero walang sinuman ang makakatulong. Nagtaka ako na walang makakatulong, pero ang aking sariling bisig ang nagdala sa akin sa katagumpayan at pinalakas ako ng aking matinding galit.