Isaiah 64:7
Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo ang nagsikap na humawak sa iyo, dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha at pinaubaya kami sa aming mga kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:12Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan.
Deuteronomy 32:19Nakita ito ni Yahweh at sila ay tinanggihan niya, dahil lubha siyang ginalit ng kaniyang mga anak na lalaki at kaniyang mga anak na babae.
Job 10:9Alalahanin mo, nagsusumamo ako sa iyo, na hinubog mo ako gaya ng putik; ibabalik mo ba muli ako sa alabok?
Psalms 100:3Kilalalanin ninyo na si Yahweh ay Diyos; siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kanya. Tayo ang kanyang bayan at mga tupa sa kanyang pastulan.
Isaiah 27:5kung hahawakan nila ng maiigi ang aking pag-iingat at makipag kasundo sa akin; hayaan silang makipag kasundo sa akin.
Isaiah 50:2Bakit nagpunta ako pero walang naroroon? Bakit tumawag ako pero walang sumagot? Masyado bang maiksi ang kamay ko para tubusin kayo? Wala ba akong kapangyarihan para iligtas kayo? Tingnan ninyo, sa aking pagsasaway natutuyo ko ang dagat; ginagawa kong disyerto ang mga ilog; namamatay ang mga isda nito dahil sa kakulangan ng tubig at nabubulok.