Isaiah 65:11
Pero kayo na tumalikod kay Yahweh, na lumimot ng aking banal na bundok at naghanda ng isang mesa para sa diyos ng Suwerte, at nagpupuno ng hinalong alak sa mga baso para sa diyos na tinawag na Kapalaran-
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:17Nagsakripisyo sila sa mga demonyo, na hindi Diyos—mga diyos na hindi nila kilala, mga diyos na bago pa lang lumitaw, mga diyos na hindi kinakatakutan ng inyong mga ama.
1 Chronicles 28:9At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
Isaiah 1:28Parehong madudurog ang mga rebelde at mga makasalanan, at ang mga tumalikod kay Yahweh ay maglalaho.
Isaiah 11:9Hindi nila sasaktan ni wawasakin ang lahat ng banal na bundok; dahil mapupuno ang mundo ng maraming kaalaman kay Yahweh, gaya ng tubig na binabalutan ang dagat.
Isaiah 57:5Pinapainit ninyo ang inyong mga sarili na magkasamang nagsisiping sa ilalim ng mga puno ng ensena? sa ilalim ng bawat luntiang puno, kayong mga pumapatay ng inyong mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.
Isaiah 65:25Ang asong-gubat at ang tupa ay magkasamang manginginain, at ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka; pero alikabok ang magiging pagkain ng ahas. Hindi na sila makakapanakit ni makakapinsala sa lahat ng aking banal na bundok,” sinabi ni Yahweh.