Isaias 65:12
itatakda ko kayo para sa espada, at lahat kayo ay yuyukod sa magkakatay, dahil nang tumawag ako, hindi kayo sumagot; nang nagsalita ako, hindi kayo nakinig, sa halip, ginawa ninyo kung ano ang masama sa aking harapan, at piniling gawin yung mga hindi nakalulugod sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:25Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Isaiah 1:16Maghugas kayo, linisin ninyo ang mga sarili niyo; alisin ninyo ang kasamaan sa mga gawain ninyo sa paningin ko; tigilan ninyo na ang pagiging masama;
Isaiah 10:4Walang matitira, gagapang ka kasama ng mga bihag, o babagsak kasama ng mga napaslang. Sa lahat ng mga ito, hindi pa humuhupa ang galit ni Yahweh, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Isaiah 41:28Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot.
Isaiah 59:15Ang mapagkakatiwalaan ay naglaho ng tuluyan, at siya na tumalikod mula sa kasamaan ay ginagawang biktima ang kaniyang sarili. Nakita ito ni Yahweh at nagalit siya na wala ng katarungan.