Isaias 66:20
Bilang isang handog kay Yahweh, ibabalik nila ang lahat ng inyong mga kababayan sa lahat ng mga bansa. Sila ay darating na sakay ng mga kabayo, at mga nasa karwahe, sa bagon, sa mga asno, at mga kamelyo patungo sa aking banal na bundok sa Jerusalem— sinabi ni Yahweh. Dahil ang bayan ng Israel ay magdadala ng handog na butil na nasa malinis na sisidlan patungo sa tahanan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Ang iba sa mga ito ay pipiliin ko bilang mga pari at mga Levita— sinabi ni Yahweh.
Cross References
Numbers 7:62Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.
Isaiah 43:6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
Isaiah 49:22Ito ang sinasabi ni Yahweh na ating Panginoon, “Tingnan mo, itataas ko ang aking kamay sa mga bansa; itataas ko ang aking bandilang panghudyat sa mga tao. Dadalhin nila ang mga anak mong lalaki sa kanilang mga bisig at bubuhatin nila ang mga anak mong babae sa kanilang mga balikat.
Isaiah 54:3Dahil lalaganap kayo sa kanang kamay at sa kaliwa, at lulupigin ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga bansa at muling maninirahan sa pinabayaang mga lungsod.
Isaiah 60:3Ang mga bansa ay lalapit sa inyong liwanag, at ang mga hari sa inyong maliwanag na ilaw na sumisikat.
Isaiah 65:11Pero kayo na tumalikod kay Yahweh, na lumimot ng aking banal na bundok at naghanda ng isang mesa para sa diyos ng Suwerte, at nagpupuno ng hinalong alak sa mga baso para sa diyos na tinawag na Kapalaran-