Isaias 66:5
Pakinggan ang salita ni Yahweh, kayong mga nanginginig sa kanyang salita. “Ang mga kababayan ninyo na napopoot at nagpapalayas sa inyo ng dahil sa aking pangalan ay nagsabi, “Maluwalhati nawa si Yahweh, para makita namin ang inyong kagalakan,' pero sila ay malalagay sa kahihiyan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 22:10Pagkatapos sinabi ni Safan ang eskriba sa hari, “Binigyan ako ni Hilkias ang pari ng isang aklat.” Pagkatapos binasa ito ni Safan sa hari.
Ezra 9:4Ang lahat ng mga nanginig sa salita ng Diyos ng Israel tungkol sa kawalang pananampalatayang ito ay lumapit sa akin habang ako ay nakaupong hiyang-hiya hanggang sa gabi ng pag-aalay.
Psalms 119:120Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.
Song of Solomon 1:6Huwag akong titigan dahil sa ako ay kayumanggi, dahil ako ay bahagyang sinunog ng araw. Ang mga lalaking kapatid ko sa ina ay galit sa akin; ginawa nila akong taga-pangalaga ng ubasan, pero ang sarili kong ubasan hindi ko napanatili. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang babae
Isaiah 26:11Yahweh, nakataas ang iyong kamay, pero hindi nila ito napapansin. Pero makikita nila ang iyon kasigasigan para sa mga tao at sila ay mapapahiya, dahil ang apoy ng iyong mga kaaway ay lalamunin sila.
Isaiah 66:2Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.