Isaiah 8:10
Gumawa kayo ng plano, pero hindi ito maisasakatuparan; magbigay kayo ng utos pero hindi ito susundin, dahil ang Diyos ay kasama namin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 20:1Kapag martsa na kayo para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at nakakita ng mga kabayo, mga karwaheng pandigma, at maraming bilang ng tao kaysa inyo, hindi dapat kayo matakot sa kanila; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
2 Samuel 15:31May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.”
2 Samuel 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
2 Chronicles 13:12Tingnan ninyo, kasama namin ang Diyos na siyang namumuno at ang kaniyang mga pari ay narito dala ang mga trumpeta upang magpatunog ng babala laban sa inyo. Bayang Israel, huwag ninyong labanan si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sapagkat hindi kayo magtatagumpay.”
Job 5:12Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
Psalms 21:12Dahil sila ay iyong paaatrasin; sila ay iyong papanain.